Pagsusuri sa Panitikan

Pamagat 

  •  Mapanglaw ang Ilaw sa CALABARZON
May Akda
  • Pedroo L. Ricarte
             Isa siyang kwentista. mananaysay, mandudula, manunuri at makata. Kasalukuyan siyang isang freelance writer, siya ay nabilang sa patnugutan ng liwayway sa loob ng sampung taon. 


Ritmo
 Ipinahahayag sa tulang ito ang pagdadalamhati pagkamalungkot at kapighatian ng isang hamak na magsasaka.

Anyo ng Tula
   Ito ay isang tulang nsa malayang taludturan sapagkat wala itong sinusunod na patakaran kung hindi ang anumang naisin ng sumulat. Wala din itong makikitang sukat sa bawat taludtod at maging tugma sa hulihang bahagi ng bawat salita.

Teoryang Pampanitikan
  • Teoryang Realismo
           Ang Teoryang ginamit sa tulang ito ay teoryang Realismo sapagkat ipinakikita ang tunay at pawang katotohanan  na buhay na kinakaharap ng isang magsasaka kung saan ang lupain na kanilang sinasaka ay ipinagbibili sa mas malaking halaga dahil sa pangangailangang pangpinansyal.

Patunay
          Unang Saknong
             May bakas pa sa tubig ng mga pinitak
            Ang mga huling silahis ng nakalubog nang araw
            Hindi na sana siya nag-aararo pa
            Hindi rin lamang tiyak na matatamnan
            Ang lupang itong ipinagbibili na ng may ari
            Sa isang malaking korporasyon ng mga dayuhan
            Ang balita ko'y bilyon ang ibabayad
            At may makakaparti raw siyang sandaang libo
  • Teoryang Eksistensyalismo
             Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kaniyang sarili na siyang pinakasentrong kanyang pananatili sa mundo

Patunay
       Nasisiyahan na siya, siya'y kasama lamang 
       Sobra pa marahil sa kanya ang tatanggaping pera
       Balo na siya' walang anak, walang bisyo
       sang ilan pa ba ang kanyang buhay?

                                                       

                                                                Ikalawang Tula

Pamagat
  • Ang Babae sa Pagdaralita 
May Akda

  • Joi Barrios
          Si Maria Josephine Barrios ay ipinanganak noong Hunyo 26, 1962 sa Lungsod ng Quezon. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1998. Kilala rin siya bilang isang makata, aktibista,tagasulat ng senaryo, artista, translator at guro. Sa kasalukuyan isa siyang visiting professor sa Philippine Studies program bg Osaka University of Foreign Studies at kasapi rin siya ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy.

Ritmo

  • Ang tulang ay nagpapahayag ng pakikibaka ng isang babae sa lipunan na kanyang ginagalawan kung paano siya mamuhay at ipagtanggol ang kanyang sarili.
Talinhaga

  • Nakatitig ang walang talukap ng mga mata ng sawa.
Sawa- ang ibig sabihin ay traydor

  • Ahas sa Damuhan
         mahirap ang buhay

Anyo ng Tula
           Ito ay isang tula na nasa malayang taludturan sapagkat wala itong sinusunod na patakaran kung hindi ang naisin ng isang may akda. Walang tugma ang mga salita at wala din bilang o sukat.

Teoryang Pampanitikan

  • Teoryang Feminismo
          Ang layunin ay ipakilala kung paano makibaka at isang babae. Sinasabi din dito ang mga kalakasan at kakayahang kyang gawin ng isang babae sa lipunan ng kanyang ginagalawan. Itinataas  at iniaangat din dito  ang pagtingin sa mga kababaihan.

Patunay
    Ang paglaya sa hirap
    ay wala sa bayani ng pantasya
    Nasa ating mga babae ang pakikibaka
    Kung paanong sa gabi at araw
    Wala tayong humpay sa paggawa.

  • Teoryang Historikal
Ang tualng ito ay nagpapakita din ng teoryang historikal sapagkat ipinakikita dito ang karanasan ng isang babae sa isang lipunan. nais din nitong ipakita ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao sa mundo

Patunay
  Babae akong sinasakmal ng kahirapan
  Kahirapan na mistulang,
  ahas sa damuhan
  maliksi ang galaw
  nagbabadya ang nakasanggang dila
   makamandag ang kagat


                                                         Ikatlong Tula

Pamagat

  • Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
May Akda

  • Frank Cimatu
Ritmo

  • Ipinahahayag sa tulang ito ang matapang na pakikibaka ng mga tao sa isang lipunan laban sa pamahalaan.
Anyo ng Tula
Ang tulang ito ay nasa malayang taludturan sapagkat walang sukat ang bawat saknong wala din tugma ang mga salitang nasa hulihan.

 Teoryang Pampanitikan

  • Teoryang Realismo
           Nagpapakita ang tulang ito ng teoryang Realismo dahil nagpapakita ito ng tunay na pangyayari sa buhay ng isang tao.Ang mga mamayan ay ipinaglalaban ang kanilang karapatan, nakikibaka sila sa pamahalaan sa kadahilanang lihis at tiwali ang pamamalakad ng mga pinuno sa pamamahala sa pamahalaan.

Patunay
Sandaang
Hakbang
Papuntang
Malakanyang
Dala' ng
Nakabulang
Kartolinang
Nakapinta'ng
Pamahalaang
Suwapang,
Kinawawang
Bayang
Walang
Kamuwang muwang



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Babae sa Pagdaralita

Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang