Mga Post

Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang

Pamagat Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang May Akda Frank Cimatu Ritmo Ipinahahayag sa tulang ito ang matapang na pakikibaka ng mga tao sa isang lipunan laban sa pamahalaan. Anyo ng Tula Ang tulang ito ay nasa malayang taludturan sapagkat walang sukat ang bawat saknong wala din tugma ang mga salitang nasa hulihan.  Teoryang Pampanitikan Teoryang Realismo            Nagpapakita ang tulang ito ng teoryang Realismo dahil nagpapakita ito ng tunay na pangyayari sa buhay ng isang tao.Ang mga mamayan ay ipinaglalaban ang kanilang karapatan, nakikibaka sila sa pamahalaan sa kadahilanang lihis at tiwali ang pamamalakad ng mga pinuno sa pamamahala sa pamahalaan. Patunay Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang Dala' ng Nakabulang Kartolinang Nakapinta'ng Pamahalaang Suwapang, Kinawawang Bayang Walang Kamuwang muwang

Ang Babae sa Pagdaralita

Pamagat Ang Babae sa Pagdaralita  May Akda Joi Barrios           Si Maria Josephine Barrios ay ipinanganak noong Hunyo 26, 1962 sa Lungsod ng Quezon. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1998. Kilala rin siya bilang isang makata, aktibista,tagasulat ng senaryo, artista, translator at guro. Sa kasalukuyan isa siyang visiting professor sa Philippine Studies program bg Osaka University of Foreign Studies at kasapi rin siya ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy. Ritmo Ang tulang ay nagpapahayag ng pakikibaka ng isang babae sa lipunan na kanyang ginagalawan kung paano siya mamuhay at ipagtanggol ang kanyang sarili. Talinhaga Nakatitig ang walang talukap ng mga mata ng sawa. Sawa-  ang ibig sabihin ay traydor Ahas sa Damuhan          mahirap ang buhay Anyo ng Tula            Ito ay isang tula na nasa m...

Pagsusuri sa Panitikan

Pamagat   Mapanglaw ang Ilaw sa CALABARZON May Akda Pedroo L. Ricarte              Isa siyang kwentista. mananaysay, mandudula, manunuri at makata. Kasalukuyan siyang isang freelance writer, siya ay nabilang sa patnugutan ng liwayway sa loob ng sampung taon.  Ritmo  Ipinahahayag sa tulang ito ang pagdadalamhati pagkamalungkot at kapighatian ng isang hamak na magsasaka. Anyo ng Tula    Ito ay isang tulang nsa malayang taludturan sapagkat wala itong sinusunod na patakaran kung hindi ang anumang naisin ng sumulat. Wala din itong makikitang sukat sa bawat taludtod at maging tugma sa hulihang bahagi ng bawat salita. Teoryang Pampanitikan Teoryang Realismo            Ang Teoryang ginamit sa tulang ito ay teoryang Realismo sapagkat ipinakikita ang tunay at pawang katotohanan  na buhay na kinakaharap ng isang magsasaka kung saan ang lupain na kanilang sinasaka ay...